Donations are essential to keep Write Out Loud going    

Right Angle

May mga bagay na di mo malalaman kung san nagsimula

Na parang kabute na dumadating at naglalaho bigla.

Mga linya sa matematika na minsa'y kinakagitla

“Bakit kahit magkaparehas ay pinagkakait magkita?”

 

Di ko talaga alam kung paano o saan nagsimula

Ang alam ko lang gusto ko lagi makita ang iyong mukha

Sa pagngiti,pagtawa't mga biro na di naman nakakatawa

Palihim na humihiling ang puso kong baka ikaw na nga

 

Nagkakakulay ang dati ay maliwanag ko lang na mundo

Nakita ko ang bahaghari at iba't-ibangkulay nito.

Sa pag-awit ng mga ibon at pagsayaw ng mga puno

 Ay s'yang pagtawa ng araw na labis na ikinagulat ko.

 

 Ngunit tulad ng linya na nagkikita ngunit di nagtatagpo

Baka ganun din ang kaso ng ating mga utak at puso

 Masaya lang sa simula dahil maraming pagkapareho

Ngunit lagi lang magkikita at walang aamin sa dulo

Dahil parehong ayaw tumawid sa linya ng pagkabunggo.

- Right Angle

 Gertrude 10/04/18 1:19am

 

 

 

 

🌷(1)

Comments

No comments posted yet.

If you wish to post a comment you must login.

This site uses cookies. By continuing to browse, you are agreeing to our use of cookies.

Find out more Hide this message